Val
23 Years Old, Male
Location: Quezon City, Philippines
About Val
Location: Quezon City, Philippines
Ang kahinaan ko is yung Boses ko.
Kasi ganito yun. Noong baby pa raw ako nag attemp sina Mama at Papa na ipalaglag ako kaya naka apekto yung gamot na ininom ni mama sa Development ng boses ko. Yung boses ko para siyang paos na pang matanda pag napakinggan mo sa personal at pambabae naman pag nasa phone call pero hindi naman ganon kahina.
I am a victim of Bullying. Simula Grade 3 hanggang Grade 10. Kapag nag rereport ako dati lagi akong kinakabahan kasi alam kong oagtatawanan na naman ako. May experience ako dati habang dinidiscuss ko yung topic namin, worst experience ko. Sinabihan ako nung Classmate ko na "Hoy Pipe umalis ka na nga dyan wala kang kwenta diko naririnig mga sinasabi mo. Panira ka lang sa group niyo e." That time kasi lumabas lang ng sandali yung Saq namin Grade 7 ako nun. Pero hindi ako nagpakita ng kahinaan kinimkim ko lang yun. Pero nung mag senior high ako doon na ako natutong mag speak up for myself sinasagot sagot ko na mga bully. Up until now, kapag may bagong nakakasalamuha ako in person syempre nagtataka kaya pinapaliwanag ko sa kanila ng maigi kung bakit ganito boses ko.




